Wednesday, July 3, 2013

alaala

para lang kahapon
ilang taon na pala
bakit mo pa binibisita
ang nananahimik kong alaala

nagbago na ang hugis ng ating mga kahapon

paano ba kita makikilala
gayong ibang iba ka na
sa nakilala ko?

paano mo ko makikilala
gayong hindi na ako
ang dating ako

ngunit gayunpaman

kilala pa din kita

ang ngiti mo ay tumatama pa rin
sa kaibuturan ko
parang pana
sapol ako palagi
kahit ngayon
makalipas ang maraming taon

binabalikan ang alaala
ng yong halik
ang hulma ng iyong katawan.al

No comments: