Sunday, June 3, 2007

kung magmamahal ka ng iba

kung magmamahal ka ng iba
magagalit ako
ngunit maiintindihan kita
at ang puso mo'y palalayain
gayon naman pala'y hindi ka na sa akin
hahayaan na kita
kung may mahal ka ng iba.

ngunit kung iyong sasabihin
na wala lang siya sa iyo
hindi kita maiintindihan sinta
at ang iyong pagkatao ay huhusgahan ko na
titimbangin ang pag-ibig na sinasasabi mong akin
na kaya mong ipagpalit sa wala lang.

No comments: